Huwebes, Hunyo 11, 2026

Second Chance: Chapter 1.1

Pagbukas ng pinto, naroon si Carlo. Hindi nag-iisa. Parang huminto ang oras. Hindi siya sumigaw. Hindi siya umiyak. Hindi siya nagwala. Nakatayo lang siya. Nakatitig. Parang hindi maintindihan ng utak niya ang nakikita ng mga mata niya. Sampung taon. Sampung taon ng pangarap. Sampung taon ng pagtitipid. Sampung taon ng pagpaplano kung saan sila titira, ilang anak gusto nila, anong kulay ng bahay nila. Lahat ng iyon, sa isang iglap, parang naging wala. "Su—" Narinig niya ang boses ni Carlo pero parang malayo. Napahawak siya sa doorknob. Huminga. Isa. Dalawa. Tatlo. Pagkatapos ay tumalikod. Lumabas. Hindi niya alam kung paano siya nakarating sa parking lot. Hindi niya alam kung paano siya nakapag-book ng Grab. Hindi niya alam kung bakit nanginginig ang mga kamay niya. Ang alam lang niya, kailangan niyang umalis. Kailangan niyang makahinga. Alas singko ng umaga. Kakagaling lang niya sa graveyard shift. Excited pa naman siyang umuwi. Ilang linggo na silang halos hindi nagkikita ni Carlo dahil sa overtime. May dala pa siyang paboritong ensaymada nito. Nasa backpack pa. Hindi man lang nabuksan. "Sue!" Pasigaw na tawag ni Carlo. Pero walang narinig si Sue Rodriguez. Narating si Sue sa apartment ng katrabaho nya si Mika. "Sue!" nagulat at nag aalalang tawag nito. "pasok ka, pasensya magulo dito." deretsong umupo si Sue. Tulala. maririnig na may tumatawag sa cellphone ni Sue. "May tumatawag sayo". tinignan lng ni Sue at inilapag ang cellphone. "nag away ba kayu?" tanung ni Mika. pero kahit dati nag aaway sila hindi naman si Sue sumusugod ng ganito sa bahay nila. mas pinipili netong mag videoke sa KTV, may kasama man o wala. ilang ring pa. "sagutin ko ha. " wala paring sagot. kinuha ni Mika ang cellphone. sinagot mya eto. "hoy, Carlo, ano nanaman ginawa mo! bakit tulala tong Si Sue. " hindi agad nakasagot si carlo sa kabilang linya. "Mika, sorry. paki alagaan muna c Sue please." at may narinig syang babae sa kabilang linya. "asan ka ba?" "nasa apartment." mukhang alam na ni Mika ang nangyayari. "Ang Gag* mo!" agad na pinatay ni Mika ang cellphone at nilagay sa bag ni Sue. tumingin si Mika kay Sue. Matagal na silang magka-team sa Workforce. Hindi sila best friends.Pero isa siya sa mga taong komportable si Sue. "Sue." mahinang tawag nya dito. "Sue!" Doon lang siya napalingon. Namumula na ang mata niya pero wala pa ring luha. At iyon ang mas nakakatakot. Parang wala siyang nararamdaman. "Anong nangyari?" Tahimik. "Sue?" "Pwede ba sumama ka sakin?" tanong ni Sue. Napahinto si Mika. Wala nang tanong. Wala nang usisa. Tumango lang siya. Makalipas ang isang oras, nasa isang beach sila sa San Joaquin, Iloilo. Tahimik. Nakaupo sa buhangin. Nakatingin sa dagat. Sumisikat na ang araw. At doon lang tuluyang bumigay si Sue. Hindi iyak. Hindi hagulgol. Kundi isang mahinang tanong. "Bakit?" Napatingin si Mika sa kanya. "Wala naman akong ginawang masama." Doon na tumulo ang unang luha. "Sampung taon, Mika." Isa pa. "Sampung taon." At sa unang pagkakataon mula nang makita niya ang pagtataksil ni Carlo... Umiyak si Sue.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Second Chance: Chapter 1.1

Pagbukas ng pinto, naroon si Carlo. Hindi nag-iisa. Parang huminto ang oras. Hindi siya sumigaw. Hindi siya umiyak. Hindi siya nagwala. Naka...